Posts

Nagbago Ka Din

Image
 “At kagaya ng panahon, ay magbabago ka din ng walang sabi, at walang sino man ang may kapangyarihan na pumigil sa’yo.”      Pagbabago. Ang salitang ito ay nangangahulugang “pag-iiba ng bagay mula sa dati O mula sa nakasanayan.”       Ang ating Wikang Filipino ay hindi maiiwasang magbago lalo na sa panahon ngayon kung saan ang paggamit ng social media ay laganap sa buong bansa— nangangahulugan na madami ang maaaaring umimpluwensiya sa paraan ng pagsasalita, pagsusulat, pagbabasa at pag-iisip ng bawat tao.       Sa unang litrato ay maipapakita ang isa sa mga pinakahalatang pagbabago ng paggamit ng ating wika dahil sa social media, ang pagsusulat ng mga salita na naka “all caps” at ang pagpapaikli ng mga salita kagaya ng hindi na nagiging “inde.” ay makikita dito.      Walang mali sa paggamit ng wika sa ganitong paraan, ngunit sa ganitong paraan din nagsisimulang makalimutan ng mga tao ang klaseng pagbabago na hind...

Si WI na hindi dapat binabaliwala si KA

Image
  “ Nagkita kami na para bang tadhana at sa isa’t isa’y hindi hindi na nga kumawala.  Tulad ng apoy at tubig, ay kami ay nagsama. Tulad ng mundong puno ng kadiliman at liwanag na nakakasilaw sa mata,  ang mundo’y kami ang nagbalanse. At buti nalang naipakita ko sa kanya kung gaano siya sa akin kahalaga bago siya tuluyang mawala”  sabi ni Wi sa kanyang sarili. Nasisiyahan sa munting ala-ala… 1 Mundo niya noo’y puno ng kadiliman, At ni isang katiting ng liwanag ay hindi niya masilayan. Lahat ay patuloy niyang nasisira, Dahil sa mga maling akala na hindi naman sadya. 2 Ngunit nagbago ang lahat ng magkita sila. Nagbago ang lahat ng magkita si Wi at Ka. Nagdiwang ang lahat ng sila’y magkakilala, Sapagkat sa wakas, ang bansa’y napagkaisa na nga nila. 3 Habang tumagatal, pag-ibig ni Wi sa kanya’y naglalaho na, Mga banyagang binata (lenggwahe) ay nakaaakit sa kanya, Buti nalamang at nagising siya, at naalala niya Si Ka ang simula ng lahat, na di niya na dapat pinagpapalit pa...

Kunyari title to

 Kunyare subhead ‘to

Ang Kumokonekta sa Atin: Mapanakit ng Damdamin, Dagat ang Lalim

Image
  “Maaaring payapa o kaya’y marahas ang alon at paggalaw ng dagat, maaaring mababaw at malalim ito, ngunit ang pag-agos at pagbabago nito ay magpapatuloy hanggang sa dulo ng panahon kagaya ng wika.”      Mula sa payapang paggalaw nito hanggang sa mapuwersa at mapanakit nitong mga alon, walang makapaga-akala na ang wika ng isang tao ay maihahalintulad sa matingkad na asul na dagat.         Sa patuloy na paggalaw ng orasan ay maraming mga bagay sa mundo ang hindi kayang pigilan ng tao. Ang mga bagay katulad ng pera, impluwensiya, at karanasan ay walang silbi kung ihaharap sa kaibigan at kalaban ng lahat—ang pagbabago.      Ang wika ay isa sa mga halimbawa nito. Patuloy ang pagbabago at patuloy ang pag-agos. Walang humpay at tubig ay patuloy na bumubuhos, gaya ng wika ng taong patuloy na nasasalinan at binabago-bago.     Madaming tao sa mundo ang hindi bukas sa mga pagbabago na maaring mangyari sa kanilang buhay dahil ma...