Si WI na hindi dapat binabaliwala si KA
“ Nagkita kami na para bang tadhana at sa isa’t isa’y hindi hindi na nga kumawala. Tulad ng apoy at tubig, ay kami ay nagsama. Tulad ng mundong puno ng kadiliman at liwanag na nakakasilaw sa mata, ang mundo’y kami ang nagbalanse. At buti nalang naipakita ko sa kanya kung gaano siya sa akin kahalaga bago siya tuluyang mawala” sabi ni Wi sa kanyang sarili. Nasisiyahan sa munting ala-ala… 1 Mundo niya noo’y puno ng kadiliman, At ni isang katiting ng liwanag ay hindi niya masilayan. Lahat ay patuloy niyang nasisira, Dahil sa mga maling akala na hindi naman sadya. 2 Ngunit nagbago ang lahat ng magkita sila. Nagbago ang lahat ng magkita si Wi at Ka. Nagdiwang ang lahat ng sila’y magkakilala, Sapagkat sa wakas, ang bansa’y napagkaisa na nga nila. 3 Habang tumagatal, pag-ibig ni Wi sa kanya’y naglalaho na, Mga banyagang binata (lenggwahe) ay nakaaakit sa kanya, Buti nalamang at nagising siya, at naalala niya Si Ka ang simula ng lahat, na di niya na dapat pinagpapalit pa...