Nagbago Ka Din
“At kagaya ng panahon, ay magbabago ka din ng walang sabi, at walang sino man ang may kapangyarihan na pumigil sa’yo.” Pagbabago. Ang salitang ito ay nangangahulugang “pag-iiba ng bagay mula sa dati O mula sa nakasanayan.” Ang ating Wikang Filipino ay hindi maiiwasang magbago lalo na sa panahon ngayon kung saan ang paggamit ng social media ay laganap sa buong bansa— nangangahulugan na madami ang maaaaring umimpluwensiya sa paraan ng pagsasalita, pagsusulat, pagbabasa at pag-iisip ng bawat tao. Sa unang litrato ay maipapakita ang isa sa mga pinakahalatang pagbabago ng paggamit ng ating wika dahil sa social media, ang pagsusulat ng mga salita na naka “all caps” at ang pagpapaikli ng mga salita kagaya ng hindi na nagiging “inde.” ay makikita dito. Walang mali sa paggamit ng wika sa ganitong paraan, ngunit sa ganitong paraan din nagsisimulang makalimutan ng mga tao ang klaseng pagbabago na hind...